Balagtasan

August is the Buwan ng Wika or month of language in the Philippines. Activities that are directed to a deeper appreciation for the Filipino language are held around the country. The most fun events happen in schools. The Department of Education determines the theme each year. The students' works (i.e. essays, posters, poems) should be relevant to the theme in order to win in whatever category they decide to join.

When I was a kid, the essay-writing and slogan-making competitions were my favorite activities. (It was through winning my school's first Filipino essay writing and slogan making competitions that my appreciation for writing began.) I also enjoyed performing Filipino folk dances like Tinikling and Cariñosa. I'm not a good dancer but we were required to participate back then and rehearsals offered great bonding time with my classmates.

Balagtasan is another interesting contest during Buwan ng Wika. It is a Filipino debate wherein arguments are in the form of poetic verses. The term 'Balagtasan' was coined after Franciso Balagtas, a highly regarded Filipino poet (some consider him as the Philippine's Shakespeare). There are three participants in a balagtasan: a lakandiwa (moderator) and two debaters.

You might ask why I'm writing this. My cousin asked me to compose a balagtasan piece for her high school's competition. Ever the nice girl, I was more than willing to extend a hand . So, I want to share this, in the hope that this may help others who might need it too.

Lakandiwa:
            Magandang araw aming bati sa inyo.
            Dalawang panig ngayon ay magtatalo,
            Upang ipahayag kanya-kanyang punto
            Wikang pambansa, Ingles ba dapat o Filipino?

             Ito ay matagal na na katanungan,
            Bumabagabag sa ating lipunan.
            Maging mapanuri sa kanilang argumento,
            Timbangin kung saan ang pananaw mo.

             Para sa Filipino, isang mayuming binibini.
            Sa Ingles naman ay ginoong kapuri-puri.
            Sila’y bigyan ng masigabong palakpakan,
            Upang masimulan na itong balagtasan.

 Wikang Filipino:
            Ang wika ay simbolo ng ating pagkatao.
            Sumasalamin sa kasaysayan at kulturang Pilipino.
            Isa itong patunay ng ating kalayaan.
            Susi sa pagbubuklod ng mga mamamayan.

             Lakas, panahon at buhay ay sinakripisyo
            Nina Rizal, Bonifacio, Mabini at Aguinaldo,
            Upang Pilipinas ay matawag na bansang malaya.
            Kaya’t sa wikang banyaga, tayo’y wag makigaya.
      
Wikang Ingles:
            Sa’yong mga tinuran, ika’y nabubuhay ata sa nakaraan.
            Wikang Ingles ay mahalaga tungo sa kaunlaran.
            Modernisasyon at globalisayon ay di maiiwasan,
            Wikang pandaigdig ay ating kailangan.

             Alam naman nating Ingles ang gamit na salita
            Ng malalaking kumpanya maging sa akademya.
            Paano tayo makikipagsabayan
            Kung sa komunikasyon ay may kakulangan?

 Wikang Filipino:
            Walang silbing makamtan tinutukoy mong kaunlaran,
            Kung tayo’y di naman naiintindihan ng ibang kababayan.
            Mga ordinaryong Pilipino na salat sa kayamanan,
            Hindi ba’t Filipino ang wika nilang kinagisnan?

             Madami sa’ting kapitbahay na Asyano,
            Gaya ng mga Instik, Hapon at Koryano,
            Sariling wika ma’y kanilang pinagyaman,
            Di ito nakahadlang sa progreso ng kanilang bayan.

 Wikang Ingles:
            Ang mga binanggit mong bansa sa Asya,
            Diba’t sa Ingles ngayo’y nagpapakadalubhasa?
            Sa’ting mga kababayan sila’y nagpapaturo.
            Importansya ng wikang unibersal, kanilang napagtanto.

             Oportunidad ang dala ng wikang ‘yong inaayawan.
            Ito’y pang-akit sa mga banyagang mamumuhunan.
            Trabaho ang hatid sa simpleng mamamayan.
            Magbibigay sigla sa ekonomiya ng ating bayan.

 Lakandiwa:
            Ang inyong mga punto ay pawang may katuturan.
            Subalit diskusyon ay kailangan nang wakasan.
            Limitadong oras ay bigyan ng pansin,
           Pangwakas na pahayag, inyo nang bigkasin.
      
Wikang Filipino:
            Tayong mga Pinoy ay makakalayaan,
            Sa mga kilos protesta palaging nakikipagsapalaran.
            Maituturing mga impokritong makabayan,
           Kung sariling wika ay di maipaglaban.

             Wikang Filipino ang nag-iisang wikang pambansa.
            Ito’y wikang pangmasa, sa mga ninuno’y minana.
            Nararapat nating ipagmalaki at linangin.
            Pakiusap ni Inang Bayan ay ating dinggin.

 Wikang Ingles:
            Kung titingnan ang pinagmulan ng ating bayan,
            Wikang Ingles ay bahagi rin ng kasaysayan.
            Maling isiping sangkap ito ng bagong kolonisasyon.
            Dapat tanggapin kung pagsulong ang ating layon.

             Di porque mula sa banyaga ay walang magandang dulot,
            Sa kanilang impluwensya’y may benepisyo ring mapupulot.
            Wikang Ingles ay gawing wikang pambansa,
            Wag hayaang baluktot na katwira’y maka-abala.

 Lakandiwa:
            Mga opinyon ninyo’y makabuluhan.
            Tiyak na naaliw mga nakinig na kaibigan.
            Alin ang nararapat na wikang pambansa?
            Ingles o Filipino, kayo na ang magpasya.

             Bago namin lisanin ang entablado,
            May mga katagang nais ibahagi sa inyo.
            Ang pagiging Pilipino, di lamang sa pangalan at salita,
            Tunay nitong diwa’y sa makabayang gawi makikita. 

Tell me what you think or share some of your own 'Buwan ng Wika' experiences in the comments section below.

3 comments:

  1. Sana may pinsan din akong magtuturo sa akin hehehe.

    ReplyDelete
  2. PEACE BE WITH YOU MARIS!
    LOVE YOU!

    ReplyDelete
  3. hi ms. maris, pwede ba to gamitin ng kapatid ko para sa school performance nila para sa buwan ng wika? thanks

    ReplyDelete
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...