Ni Maris Gabornes
Ngayo’y
nakaupo sa permanente kong upuan
Tumitingin
sa gurong nakatayo sa harapan
Subalit
‘di nakikinig sa kanyang tinuturan
Sapagkat
ang aking isip ay nalipad kung saan
Wala
kang malay na ika’y aking naaalala
Nagtatanong
kung ayos ka lang ba
Habang
ang puso’y lihim na umaasa
Na
sa iyong utak ako rin ang bida
Roon
sa malayo, ika’y bagot sa iyong upuan
Ang
guro sa harap ay iyo ring pinagmamasdan
Pero
walang naiintindihan sa kanyang tinuturan
Dahil
ang isip mo’y lumilipad sa kung saan
Isa
sa ‘yong mga kaklase ang sa utak mo pala’y bida
Iniisip
mo kung paano ba mapapalapit sa kanya
Habang
lihim na umaasang ang klase niyo’y matapos na
Upang
malapitan, mabiro at makausap mo na ulit siya.
*****
Back-story
I wrote this in high school, during my Filipino class. (.....)
I wrote this in high school, during my Filipino class. (.....)
No comments: